Inibig kita , inibig mo rin ako
Minahal kita ng buong-buo
Umasang pag-ibig mo'y totoo
Sa araw na minahal mo ako ...
Saya ang nadarama ,
sa sandaling ika'y makita
Ako'y natataranta ,
sa tuwing ika'y kasama ...
Dumating ang panahon
Kumupas ang pagmamahalan
nananatili sa'king isipan ,
ang sakit at puot na nararamdaman ...
Oh ! bakit ganito ang kinahinatnan ?
Ngiti sa'king labi ay kinalimutan
Mapagkunwaring pag-ibigan
Ang aking naranasan ...
sapagkat puso ko'y hating-hati
At sa bawat piraso nito ...
Kapag binuo mo , kaw pa rin ang nandito ...
Nagdaan man ang mga araw
Ikaw lang ang aking nasasaklaw
Mahal ko ! sana ganito ang nararamdaman mo ...
Itong puso na nagpatuloy na nagsusumamo ...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento